Lawrence says: let me show you how my community brothers think about me and my long stay over in the world which is not really my own..Read on.....
got your message just now. Desert Day ngayon dito kaya after mass, naka-log-in agad ako at nakita ko ang message mo. Grabe na pala talaga ang sitwasyon mo diyan at ang kalagayan ni Inay. Buti naman at na-email mo ang tatay about your plans. Kasi the more na hindi malinaw sa kanya kung ano ang pasiya mo, the more na hindi niya maiintindihan ang buong kuwento at pangyayari na nagaganap sa buong pamilya mo diyan.
About your monthly charity for Inay, are you sure at na-check mo na ba ang passbook mo at talaga bang wala pa diyan ang padala ng community? Kasi dapat by this time ay andiyan na dahil buong linggo na ng first week of May at wala namang holiday ang bank this week.
Kung naantala ka mag padala ng mga receipts na hinihingi ng Tatay, probably, yun ang naka-delay sa pag send niya ng charity sa inyo. Alam mo naman ang Tatay, pag nag decide na ganito or ganyan, papanindigan na niya yan. Kaya pag nag sabi ng send receipts, wag ka mag padahan-dahan....whatever you have in your possession, send mo agad para di ito maging cause ng delay.
Kelan ka ba nag send ng mga receipts na hinihingi niya? ang gagawin kasi niyan ay bubusisiin pa niya isa-isa ang mga nakasulat dun sa resibo...don't be offended by what he's doing dahil di ka nag-iisa sa ganyang kalakaran...ultimo si Paco na Prior of the house ay ni-kumpronta ng Christian dahil sa pag gamit din niya ng credit card at di ito nagustuhan ng Abbot at and Sub-prior na si Christian...eh kasi nga naman, kanda-kuba na ang Xtian sa kaka-beg here and there every weekend, fundraising here in this parish at next week naman ay dun naman sa kabilang parish, tapos parang ang nangyayari, puro labas at gastos naman ng pera kaya wala siyang nakikita sa mga pinaghirapan niyang fundraising....ako nga nag-aalburuto din sa choir pag iniiwan nila ako mag-isa...i mean, pag si tatay wala dito at ang Xtian ay may fundaraising ng weekend, eh aalis yan ng Friday at babalik ng Monday...eh ang Paco naman nasa Mexico kaya sa akin napupunta ang pag patakbo ng buong monasteryo, jusko, tumataas ang dugo ko lalo na pag linggo dahil sa choir at sa mga kanta sa Misa.
Buti itong nakaraang linggo, lahat sila andito kasi dapat ay darating ang mga visitors (friendly visit) for a week pero di natuloy dahil sa volcanic erruption sa Iceland, di maka-travel ang Albert from Germany who is the co-visitor ni Anselm from Massachussettes. Eh, ang Paco came home just for that, kaya natipon ang tatlong matataas na opsiyal ng bahay for a week....kaya medyo masaya ako dahil hindi sa akin napunta ang pag-mama-ne-obra ng buong monasteryo.
Pero last Saturday, umalis na din ang Paco balik ng Mexico dahil kay Thomas Mitchell - na-atake at na stroke ito, and now ay may alzheimer desease na din. Inaantay na lang na matigok ito dahil yun ang obserbasyon ng mga doktor dun. Nahihirapan din ang Paco dahil kailangan din niyang mag-begging and fundraising ng pera dun dahil ang Thomas Mitchell ay nakatira sa moansteryo ng mga mongha at walang space for him so there's a need to build a space for Fr. Thomas, so sabi ng Tatay, "sige maghanap ka ng pera para mapagawaan ng kuwarto ang Fr. Thomas".
At heto ka pa, ang Leander who is in La Soledad ay naka-schedule din for an eye surgery at babalik siya dito sa third week of this month. Ang Bruno naman ay naka-schedule din for eye surgery on the 15th of this month dahil bulag na completely ang mata niya sa kaliwa kasi di ba puro puti lang and laman nun at wala talagang eyeball sa loob, eh ang sa kanan naman niya eh nakakakita kahit paano, pero lagi siyang hirap at minu-muta na nga and for him to see kahit papaano ay gumagamit pa nga ng 350na reading glass at dagdag pa ang hawak niyang handy lens just to read a word.
Ang siste pala nung in-examine siya, it was found out na kaya ganun dahil di nag da-dry ang retina niya sa loob or at the back of his eye...lagi yun may fluid at yun ang nag ko-cause ng di siya nakakakita nang maayos. Ayaw nga niya pa-opera dahil sobra na daw ang hirap niyang dinanas in the past na puro na lang operasyon, daanin na lang daw sa pag lagay ng patak na sobrang mahal naman, eh ang pang lagay ng patak, pang pa-dry lang naman yun sa watery eye niya dun sa retina - in other words, mabubulag tatalaga siyang tuluyan. Kaya ang desisyon ng abbot at council is to have him undergo an eye operation para dun sa retina and it will cause yata close to 10,000 dollars puwera pa ang gamot....ewan ko, kaya ang Xtian ay lagi na lang naka-yuko dahil puro gastos nga.
About sa sinasabi mong letter mo kay abbot, I don't know kung kelan ang desisyon niya....wala siya dito at nagpunta kahapon ng umaga sa Thien Tam (TExas), for the ordination of Paul (vietnamese) for Diaconate, at ang balik ng Tatay ay sa Martes (May 11th) pa ng gabi.
Kahit wala ang Tatay, medyo kalmante ako dahil andito ang Xtian at di ako totally nag-iisa sa pag patakbo ng monasteryo....Ngarag lang talaga ako pag ako naiiwan mag-isa to do administrative tasks, kasi nga di ba araw-araw na ang klase ko sa postulants, novice and juniors?...at pag may mga di pa nagkakasundo...di ko na alam kung ano ang uunahin ko.
There was a time na ako ang in-charge at wala ang tatlong opisyales. Ang Rodrigo went to town for recycle...ang siste sarado ang recycle place dahil yata sa dami pang nakatambak na di pa na-process and Digoy was told to return after the following week but must call first to make sure na bukas nga sila. Ang ginawa ng Digoy, naghanap ng ibang lugar na matatapunan ng mga karay-karay niyang basura at napadpad siya sa El Rito, eh sarado din daw yun on that day, kaya walang choice ang Digoy kundi umuwi nang bitbit pa din ang mga basura sa loob ng sasakyan.
Nagmadali ang higanteng monghe na makahabol ng Vespers, kasi ang bilin ko sa kanya, ay kung magagawa niyang makauwi ng before 4PM dahil may stations of the cross that day (Friday, lent kasi nangyari ito). And knowing him na pagong sa kabagalan at kahit nagmamadali ay di pa din naman siya mabilis magpatakbo ng sasakyan, di ba?
I don't know how it happened, pero sumemplang daw ang sasakyan niya dun sa kurbada papasok sa monasteryo after the entrance Monastery sign... iyung kung saan nahulog ang sasakyan ng sister Amelita noon. Kaya nang nag appear ang Digoy sa chapel at ang dungis dungis ng hitsura at namumutla, seconds before we were about to start Vespers nagitla kaming lahat ng mga monghe at kaya pala nag appear para lang magpatsek ng attendance ang kawawang monghe at nag excuse nga to go and ask Fred for assistance.
Early in the morning, pinuntahan ko ang site ng pinangyarihan ng sakuna at grabe nga ang nangyari, a few inches na lang ay sasalpok na ang dala niyang pick-up dun sa malaking kahoy, half of the car - eh yung bandang nguso ay totally out of the way, kung baga ay nahulog na talaga siya dun sa napakalalim na bangin. Pero kasi nag skid at bumaligtad ang sasakyan, kaya siguro dahil sa bigat ng Digoy sa pagkabig ng manibela, kaya hindi ito totally nahulog sa bangin ni kamatayan.
Kuwento sa akin ng Digoy, for 3-5 minutes yata ay di daw siya humihinga at kumkilos at nag antay na lang na lumagpak ang sasakyan kasama siya...and he was hoping na sana daw ay may maglakad at makita siya para matulungan siya makalabas...pero nung na-feel niya na walang dumaraang sasakyan or tao, of kors naman wala nga kasi bundok nga ang kinalalagyan natin at alanganin pang oras, so very slowly ay nag try at nag effort siya na tanggalin ang seat belt niya at gumapang na parang ahas sa bintana para siya makalabas. di kasi siya puwede mag bukas ng pintuan dahil it will create force and weight at totally ay lalagapak at mahuhulog ang sasakyan sa bangin ni kamatayan kasama siya.
Sa awa ng Diyos, dahil monghe nga eh kaya tulong to death ang God the Father sa kanya kaya ayun nakalabas ang Digoy at saka lang daw nanghina ang mga tuhod niya nung nsa lupa na siya. Walang magawa ang Fred and Rosy kahit na dala nila ang truck. Sabi naman ng Roger, tawagan yung tao sa bayan which digoy did the following day. Sabi ng lalaki sa towing car, suwerte ng Digoy dahil any minute ay talagang malalaglag na ang pick up at mabuti na nag effort ang Digoy na makalabas ito bago tuluyang nag fall sa bangin ng death.
But what's more interesting ay yung conclusion ng towing guy nung ni-try daw nila ang pick up, walang sira ang makina nito as in it would normally be expected sa mga ganitong pangyayarina may sira man lang kahit kunti. Nagka-gulo-gulo lang ang mga basura sa loob nito dahil nga sumemplang ito. Kaya on that very moment, ibinalik ang pick-up sa parking lot sa likod ng monasteryo as if everything were fine and normal.
Ni-drive ulit ito ni Digoy from that area where the incident took place at ibinalik ito sa parking lot sa likod. Grabe ang pasalamat ko, kapatid! Alam mo ba na ang lagi kong dasal pag wala dito ang mga matataas na opisyal ng kabahayan natin, - na sana walang matitigok or madedbol na monghe dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko.....eh ang daming naka-line up dito ngayun sa ating kabahayan (si german na Benedict, ang Hermit na Xavier, ang Vietcong na Odon, at ang merkanong Bernard...and malay mo, isa sa mga younger brothers...) Gabi-gabi na lang, pag wala sina Xtian at Tatay, ay iyan lagi ang dasal ko sa vigils at compline na walang matitigok sa isa man sa mga naka-line up na at naghihila ng mga sariling ataul nila.
Anyhow, check mo pa din ulit ang passbook mo at baka andiyan na ang padala sayo. Take courage at focus sa iyong mga desisyon para ma-accomplish mo yang sari-saring problema with Inay. If in this week, wala pa ding sagot ang Tatay sa sulat niya sayo....make another effort to write him and clearly state again your plans.
This time, make sure na malinaw ang lahat ng plano mo - from asking permission to go out for how many years; and the permission to return to the states and find work here; to the arrangement to borrow or loan from the community - how much would be the amount; and all related matters which you can think of.
After you have send your message to Abbot, visualize and think where you would go and how you would go over your plans in relation to find or seek for a teaching post. Sino ang mga puwede mong lapitan for encouragement, support and referrals - your contact persons who can pass on words to you kung saan may bakante at madali kang ma-hire.
The sooner na gawin mo ito, the better para you have time for preparation while waiting the reply of Abbot. Ma-deny man ang request mo or whatever, you should push through with your plans dahil hindi puwedeng naka tunganga ka lang diyan while sunod-sunod ang dating ng mga notice for payments. If you think of California, sino ang malapit mong contact dun (Marcos?, perhaps) na may connection sa school and teaching post.
Kung sa New York naman, who would be that person you think can help you?. I know kung dito naman sa New Mexico, madami kang kakilala at kaibigan na puwede mag bigay ng payo sa iyo in terms of how they were hired and what necessary procedures you will have to do.
Speaking of your close friends here in New Mexico, nadalaw dito sina Amy at Dan, kasama ang kapatid na Carlo at tatlo pang teachers nung Huweves Santo of the Holy Week. Dito sila nag Stations of the Cross. Na-miss ka nila and asked about you, kelan daw ang balik mo. I can only provide with a short and little information.
Okey, hanggang dito na lang muna, kapatid at di pa ako nag bi-breakfast.....basta, if this week ay wala pang sagot ang Tatay sayo sa request mo, make another letter and make sure na malinaw ito...stick to the main point and above all, state clearly why such decision from you must happen and cannot be avoided. Be true to the facts para ma-feel nila ang necessity and urgency sa message mo.
Bye na kapatid...puro plegis na mukha ko dito dahil sa mga problema na di ko naman hinihingi pero ipina-pasa nila lagi sa akin...
love and prayers,
dom Caedmon, OSB