translate

Wednesday, April 16, 2008

the truth...living in America

@7:44AM of Wednesday USA Time, Dom says: I got an email from my friend and Oblate of the monastery, Brother Carlo, that struck me so much as the email contained issues about living life in the United States. Carlo is an OFW working in the Laboratory section of Espanyola Hospital . He used to work at St Luke's Medical Center in Quezon City Philippines but after some years, he decided to go overseas and experience life in the USA. Right now, Carlo is back in Cebu Philippines where his elder brother lives.
Although the issues did not pertain to me and does not directly and personally affect me as my life inside the monastery, even though its location is in the USA itself, does not experience such, but still, the whole issue affects me as I feel so much for my compatriots Filipino OFW's living in the USA. The email is in Filipino Language and I did not have time to translate it, so I ask my non-Filipino readers to bear with it. (but if you need me to translate it for you, please let me know.)


The message..."Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America ..

Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas s a Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo. Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America . Hindi ibig sabihin dolyar na angsweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa. Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang sinilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan."...

3 comments:

Anonymous said...

hmmm. nawy magsilbing eye opener yan sa mga nagbabalak na pumunta sa ibang bansa, at ganun din sa mga taong naiiwanan dto ng mga mahal nila sa buhay para makipagsapalaran dyan, na hindi ganun kadali kitain ang pera dyan kung kayat dapat na gamitin ng mahusay ang anumang halagang makukuha mula sa padala sa abroad...kung maayos naman na makakapamuhay dto bkit nga ba hindi nalang manatili dto kung san makakapamuhay ng mapayapa din naman

sa kabilang banda , nakakabilib din yung mga taong sadyang tinitiis ang hirap na mamuhay sa bansa kung san milya milya ang layo sa mahal sa buhay , kase nasa kanila ang determonasyon na maibigay ang pinaka magandang buhay para sa mga minamahal

MisterZyl said...

Hi there, just dropping by to say Hello,

I found your blog from the Big Bang Master List.

Have a nice day.

Anonymous said...

Hi Gbex!

ngayon,alam ko na kung bakit Gbex,haha!

nabasa ko na nga minsan yang letter na yan,and i do agree indeed!

musta na pla?ngayon uli ako nakabalik :)

regards!!
http://akoni.info

ghee

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...