translate

Friday, January 25, 2008

for the love of his mama


I got a text message from 'dodong' himself (his name is actually janvier daily, but after I watched his very fine portrayel in the musical play Zha Zha Zaturnnah as 'dodong', I started calling him dodong) and broke his news to me about the release of his new movie Roxxanne!...He was asking me to offer some prayers for the success of it....

He also sent me a text message of the blog site of his director who published an interview with him which he later thought that it was too strong, and asked me to give him some words to say. Well, what can I really say? We all have dark past and what is important for us now is: we still are alive, healthy and is keeping our best shot in our present dealings with our lives.



I met janvier in January of 2007 when I watched a musical comedy play zha zha zaturnnah and since then, we became gym buddies and friends, and the rest is a history to be told. I felt so much sympathy for dodong after reading the interview (though I already knew most of his dark past when he revealed them to me in one of our jamming sessions at makati avenue) of his director jun lana in his upcoming movie Roxxanne.


Here's an excerpt of Jun Lana's interview with janvier daily which he postd on his personal blog....
JL
At siyempre sasabihin mo sa akin, naghuhubad ka para maiahon sa hirap ang pamilya mo.

JD
Para po sa Mama ko. Lahat ng ginagawa ko, para sa kanya. Hindi po biro ang pinagdaanan niya para lang mapalaki kami ng maayos.

JL
Gaya ng?
(Hindi agad sumagot si Janvier, parang naninimbang kung ano ang pwedeng sabihin.)
JD
Nung bata pa po ako, bigla kaming nilusob ng crew ng “Magandang Gabi Bayan”, pinagbintangan nilang bugaw ang nanay ko.

JL
Sino daw ang binubugaw niya?

JD
Kami pong mga anak niya. Ang totoo, naghahanap lang siya ng mag-i-sponsor sa studies namin, pa’no walo kaming magkakapatid, hindi niya kami mapag-aral lahat. Pero akala ng mga tao binubugaw niya kami.

JL
Sino naman ang mga malisyosong taong yan, at nireport pa talaga ang nanay mo sa “Magandang Gabi Bayan”?

JD
Yung mga kasama po namin sa kalye.

JL
Kalye? Anong kalye?

JD
Sa Ermita, Direk. Minsan sa U.N. Avenue… sa Luneta. Kung saan kami abutin ng gabi.

JL
Teka, naguguluhan ako. Tumira kayo sa kalsada?

(Napatingin ako sa manager ni Janvier sa tabi ko. Hindi ito umiimik.)
Seryoso ka ba? Wala kayong bahay? Wala kayong kamag-anak na pwedeng tirhan?

JD
Taga-Surigao po ang Mama ko, wala siyang pamilya dito. Ang Papa ko naman po, taga-Laguna.

JL
O, e ba’t hindi kayo tumira sa Papa mo?

JD
Siya po ang tinatakasan namin. Lagi po kasi kaming binubugbog. Lalo na si Mama. Muntik na niyang mapatay si Mama.

Ilang taon ka nung mapadpad kayo sa Ermita?

JD
4-5 po.

JL
Gaano kayo katagal tumira sa kalsada?

JD
11 na po ako nung kunin ako ng MYRC.

JL
Ano yun?

JD
Juvenile center po.

JL
Teka, 6 years kayong nakatira sa kalsada? Lahat kayo? Paano kayo nabuhay?

JD
Nung nagtagal po nag-squatter kami sa estero sa may U.N. Tapos nag-waitress ang Mama ko sa Ermita. Kaming magkakapatid, kung anu-anong trabaho. Ako po nagbenta ng diyaryo.

JL
Buti hindi kayo nababagansiya?

JD
Maraming beses, Direk. Ang pinakamatindi nung naghahanap kami ng matutulugan sa Ermita Center, umalis sandali si Mama, pagbalik niya isinasakay na kami sa mobile ng mga pulis. Pinagbabato ni Mama yung presinto para pakawalan kami.

(Tumigil sandali sa pagkukuwento si Janvier, parang iiyak.)

JD
Pinakawalan kami ng mga pulis pero si Mama ang pinagtripan nila. Binugbog nila, tapos hinubaran, saka kinulong. Pagkatapos po nun, madalas nang magkaroon ng breakdown si Mama.

JL
Anong klaseng breakdown?

JD
Minsan bigla na lang po siyang iiyak, magwawala, tapos maglalakad nang nakahubad sa Ermita.

JL
Anong ginagawa nyo?

JD
Susundan po namin siya hanggang mapagod siya. Basta makatulog siya, OK na siya paggising niya.

JL
Buti sa kabila ng lahat ng yan, hindi kayo nagkahiwa-hiwalay?

JD
Nung 11 po ako, dun dumating ang MYRC. Ang pakilala sa Mama ko, social worker sila. Pag-aaralin daw kami. Pero Juvenile center pala, ginawa akong katulong, taga-ipon ng kaning baboy. Yung ibang kapatid ko, pinagkukuha ng ibang ampunan. May napunta sa Kapatiran, yung iba sa Asilo.

JL
Ba’t hindi kayo kinuha ng Mama mo?

JD
Wala po siyang trabaho noon. Kung babawiin niya kami, magugutom lang kami. Pero ako, nung isang beses na bumisita si Mama, pagkaalis niya, tumakas ako, hinabol ko siya.

JL
Janvier, hindi ko kaya ang pinagdaanan mo. Talo pa ang episode ng Magpakailanman. Paano nabuo uli ang pamilya mo? Paano kayo nakaahon sa hirap?

JD
Direk… sasabihin ko po sa inyo pero off the record...

JL
Janvier… sa dami ng pinagdanan mo… wala bang nang-molestiya sa yo… nang-abuso?

(Matagal bago nakasagot si Janvier. Parang nag-iisip. Kahit ako naging uncomfortable, iniwasan ko ang tingin niya, nagkunwaring busy sa pagtatype sa laptop)

JD
Wala po.

Before I ended up with my late-evening exchange of SMS with dodong, i told him..."dong, kelangan maging matatag ka dahil pinasok mo ang pinakamagulong trabaho sa mundo,ang pag aartista, at saka wag ka mag alala- dahil mature na ang mga moviegoers ngayun....they will surely take you, basta sa susunod mong movie ay galingan mo pa lalo acting mo!..."

that's it and I said goodbye to my friend dodong!

3 comments:

jennyr said...

it's sad to hear stories like this! but at least he rises to the occassion...i wish him luck!

Anonymous said...

AYAY, nag kamali ako ng post on janvier, k jiro mano na i post yikes! :( - JOSH

WOW, close pala kayo janvier, cool! :)

Anonymous said...

naaawa ako kay janvier tuwing nababasa ko ito, nakita ko sya sa bench fashion show and alam ko d madali naging preparation nya for that event kaso pag nag basa ka ng internet eto pa rin mababasa mo tungkol sa kanya, si jun lana kasi hindi inayos pagkakasulat sayang naman mga awards nya kung totoo man na meron.....nway ganun tlg buhay showbiz,kaya janvier next time ingat na lang kung kanino ka magtitiwala......

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...